Manila, Philippines – Napikon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Danilo Lim sa dami ng reklamo ukol sa matinding trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Lim – walang maaasahang pagluwag ng trapiko, lalo na sa Edsa, kung hindi makikipagtulungan ang lahat para maresolba ito.
Dagdag pa ni Lim – tamang implementasyon at pagpapapatupad ng batas trapiko gayundin ang pagtanggal sa masamang ugali ng mga motorista, pedestrian at lahat ng gumagamit ng kalsada.
Aniya, disiplina sa kalsada ang kailangan.
Iginiit din ng opisyal – pinag-aaralan na niya ang lahat ng traffic schemes.
Ginisa din ni Lim ang mga towing service company na inirereklamong walang habas na naghahatak ng mga ilegal na nakaparadang sasakyan.
Maglalabas ng irr ang MMDA sa susunod na buwan para malinaw sa pagproseso ng towing.