MMDA, hihintayin ang desisiyon ng Metro Manila council hinggil sa unti-unting pagbubukas ng mga negosyo sa NCR

Hinihintay pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung anong magiging pananaw ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) kung maaari nang buksan nang paunti-unti ang iba pang negosyo habang naka-quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Nabatid kasi na may ilang Local Government Unit (LGU) ang sumasadsad na ang ekonomiya sa kanilang siyudad bunsod ng tuluyang pagsasara o pagkatengga ng ilang kompanya dahil ipinagbabawal pa silang magbukas.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, na kasama rin sa Metro Manila Council, nasa mga alkalde ang desisyon hinggil sa nasabing usapin.


Magiging basehan din ang kanilang opinyon pagdating sa kalusugan, ekonomiya, enforcement at transportasyon kung saan dito malalaman ang desisyon kung ilalagay sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine ang buong Metro Manila.

Iginiit naman ni Garcia na kahit magdesisyon ang mga alkalde na luwagan ang quarantine classification, huwag asahan ng iba na dodoble ang dami ng papayagang magbukas na negosyo.

Facebook Comments