MMDA, nagbigay na ng rekomendasyon sa kaso ni Ma. Isabel lopez

Manila, Philippines – Permanenteng pagkatanggal sa kaniyang kapahintulutan sa pagmamaneho at pagmumulta ang iminungkahi ng Metro Manila Development Authority sa LTO na parusa kay Actress Maria Isabel Lopez matapos i-post sa Social media ang kaniyang selfie at videos ng paggamit sa Asean lane nang walang kaukulang permiso .

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, “breach of security” ang ginawa ni Lopez na naglagay sa peligro sa ibang motorista sa panahong idinaraos sa bansa ang isang pandaigdigang aktibidad.

Pinadalhan na si Lopez ng summon ng Land Transportation Office o LTO.


Ang hakbang ay ginawa upang ipatawag si Lopez dahil sa mga nagawa nitong violation kabilang ang disregarding traffic signs, violation of the anti-distracted driving act at reckless driving.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, kung ano ang naayon na hakbang kaugnay sa isyu ay ilalagay nila sa tamang proseso sa gagawing imbestigasyon at kung ano ang nasa rule of law yun ang kanilang ilalabas na desisyon.

Facebook Comments