MMDA naglabas ng abiso sa mga motorista hinggil sa mga road rebloking at repair ngayong weekend

Nagpalabas ng abiso ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA hinggil sa mga road reblocking at repair ngayong weekend.

 

Ayon sa MMDA, ilang bahagi ng EDSA at C5 ang aayusin kung saan mag-uumpisa ito mamayang alas- 11:00 ng gabi at sa lunes, april 29, alas 5:00 ng umaga ay inaasahang bubuksan na ito sa mga motorista.

 

Kabilang sa mga apektadong kalsada ay ang:


Unang lane mula sa sidewalk ng southbound lane ng EDSA New York hanggang Aurora Boulevard, habang sa EDSA Northbound sa harap ng baliwag transit hanggang New York street 1st at 2nd lane mula sa sidewalk.

 

Ganundin sa pagkalagpas ng Magallanes MRT hanggang km 29 kung saan ang outer lane naman nito ang aayusin

 

Maging ang gitnang lane ng C-5 road sa harap ng sm aura ay aayusin din ng MMDA.

 

Dahil dito, inaabisuhan nila ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar para hindi maabala.

 

Facebook Comments