MMDA, pababantayan na ang mga back door exit ng mga provincial buses

Pababantayan na rin ni MMDA Edsa Special Task Force Operations Chief Bong Nebrija ang itinalagang back door exit ng mga provincial buses .

 

Ito ay sa dahilang dito nagbababa ng mga pasahero ang mga bus.

 

Sa interview ng media sa QC, sinabi ni Nebrija na ito ay kasunod ng nabistong paggamit ng Baliwag Transit  sa scout borromeo malapit sa kanto ng EDSA Quezon City bilang   loading area.


 

Ang dry run sa pagbabawal sa provincial buses na magbaba at magsakay sa EDSA ay bilang paghahanda ng MMDA sa tuluyang pagsasara sa lahat ng terminal ng bus dito na nagiging dahilan ng matinding trapik.

 

Umaabot na sa labing isang mga bus ang nati-tiketan ng Metropolitan Manila Development Authority na lumalabag sa ipinatutupad na no loading unloading policy

 

Mula sa 500-piso ang multang babayaran ng mga bus companies na mahuhuling lalabag dito.

Facebook Comments