
Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko kaugnay sa kumakalat na pekeng website ng “May Huli Ka” na nakadisenyo para sa mga motoristang gustong makita kung may paglabag sila sa No Contact Apprehension Police (NCAP).
Ayon sa MMDA, ang pekeng website ay humihingi ng sensitibong impormasyon sa mga nagnanais alamin kung may nalabag sila sa ipinatutupad ng NCAP.
Ayon sa MMDA, isang phishing website ang kumakalat na “May Huli Ka” na nais lituhin ang publiko, lalo na ang mga motorista, upang makakuha ng sensitibong impormasyon na halos kahalintulad ng inilunsad nilang bagong website na “May Huli Ka 2.0.”
Pinayuhan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang publiko na maging alerto at maging maingat sa paggamit ng mga kahinahinalang website na ang tanging layunin ay makuha ang mga sensitibong impormasyon sa mga taong kanilang mabibiktima.