
Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bakbakain ang bahagi ng center island sa Marcos Highway malapit sa town and country subdivision sa Antipolo, Rizal.
Ito ay para upang bigyang daan ang adjustment ng U-turn slot.
Sa ocular inspection ng MMDA, kasama ang ilang kinatawan ng lgu ng Antipolo City, Cainta, Rizal at Marikina City, napansin ang magkakalapit na U-turn slots sa Marcos Highway.
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, kailangan madaliin ang gagawing mga adjustment sa U-turn slots upang maiwasan na masundan ang Carmaggedon noong Sabado, na naging dahilan ng pagkaka-stranded ng maraming motorista.
Pinalitan na rin ang mga dating concrete barriers ng plastic traffic delineator sa center island sa pagitan ng Fernando Ave. sa Marikina City at Felix Avenue sa Cainta.
Layon nito na mapadali ang pagbukas sa kalye sakaling maulit ang sobrang pagdagsa ng mga motorista.









