MMFF PARADE | Ilang kalsada sa Metro Manila, isasara

Ilang kalsada ang isasara sa Linggo, Disyembre 23, para bigyang daan ang parada ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga kalsadang isasara sa mga motorista ang mga sumusunod:

– Quirino Avenue mula Kabihasnan hanggang Manila International Airport (MIA) road – Kabihasnan mula Dr. A. Santos Avenue hanggang Quirino Avenue – Dr. A. Santos Avenue (westbound lane) – MIA road (westbound lane) – Macapagal Boulevard (northbound lane)


Magpapatupad naman ng counterflow sa mga sumusunod na kalsada:

– Dr. A Santos Avenue (eastbound) mula Sorena Avenue (Shopwise) hanggang Kabihasnan – MIA road (eastbound) mula Quirino Avenue hanggang Macapagal Boulevard – Macapagal Boulevard (southbound) mula MIA road hanggang Bradco

Simula naman ala-1 ng hapon sa linggo, ipapatupad ang two-way traffic scheme sa airport road mula Roxas Boulevard hanggang domestic road,

Pinayuhan ang mga motorista na umiwas sa mga naturang kalsada at planuhin nang maaga ang biyahe.

Facebook Comments