MANILA – Ihahain ngayong araw ang Court Order para tuluyan nang mabasura ang arrest warrant laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.Mula Jolo Airport, lumipad na patungong maynila si Nur Misuari kasama si Peace Advicer Sec. Jesus Dureza sakay ng chopper.Bitbit ni Dureza ang warrant of arrest mula sa Regional Court, Branch 158 Pasig City na pinirmahan ni Preciding Judge Ma. Rowena Modesto.Dakong alas 10:45 kaninang umaga nang dumating sa Jolo Airport si Misuari kasama ang libu-libong forces ng MNLF.Matatandaang naglabas noon ng arrests warrant laban kay Nur Misuari kasunod ng nangyaring Zamboanga Seige noong 2013 na ikinamatay na mahigit 200 katao.Samantala, ayon kay Dureza, magandang hakbang ang pag-aalis ng naturang arrest warrant para masimulan na ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno at MNLF.
Mnlf Chairman Nur Misuari, Lumipad Na Patungong Maynila
Facebook Comments