MOBILE LICENSING, INILUNSAD NG LTO ALICIA DISTRICT OFFICE

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Alicia District Office ang Mobile Licensing program sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Sa programang ito, kabilang ang serbisyo para sa pag-renew ng driver’s license at pagkuha ng student permit.

Bilang karagdagan, nag-alok din ang LTO ng libreng Theoretical Driving Course para sa mga motorista na nais matutunan ang tamang pagmamaneho at road safety.

Bukas ang programa para sa lahat ng mamamayan ng San Mateo, na naglalayong gawing mas abot-kaya at madaling ma-access ang mga serbisyo ng LTO para sa publiko.

Facebook Comments