Barko ng China na nasa WPS, patuloy na lumalayo —PCG

Hindi patitinag ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mas malalaking sasakyang pandagat ng China.

Ito ang iginiit ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea sa gitna ng iligal na pananatili ng China Coast Guard sa loob ng ating teritoryo.

Ayon kay Tarriela, sa kabila ng pagiging mas maliit ng barko na BRP Cabra ay patuloy nitong napapalayo ang CCG vessel na 3103 sa baybayin ng Zambales.

Sa ngayon, nasa layo na itong 90-100 nautical miles mula sa Exclusive Economic Zone.

Samantala, bukod sa CCG 3103, nakaantabay malapit dito ang CCG 3304 at ang monster ship ng China na CCG 5901.

Pero sabi ni Tarriela, sa kabila niyan ay hindi yuyuko ang Pilipinas at hindi papayagan na makalapit sa baybayin ng Zambales na ilang linggo nang tinatangka ng China.

Facebook Comments