Manila, Philippines – Mga bagong armas at kagamitan at mataas na sweldo ang
sasalubong sa mga magiging bagong opisyal ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) na magtatapos ngayon sa Philippine Military Academy o PMA
Alab-Tala class of 2018
Ayon kay PMA Spokesman Colonel Rey Balido, excited na ang ga-graduates na
sumabak sa trabaho dahil mga bagong baril ang ibibigay sa kanila at mga
bagong kagamitan pa ang inaasahan dahil sa nagpapatuloy na AFP
Modernization Program.
Mararamdaman narin ng mga ito ang mataas na sweldo na ibinigay ni Pangulong
Duterte sa unipormadong hanay ng pamahalaan.
Mataas din aniya ang Morale ng Alab-Tala class of 2018 dahil nakikita ng
mga ito na maganda ang mga programa ng Administrasyong Duterte para sa AFP
at maging sa Philippine National Police (PNP).
Kaya naman umaasa si Balido na dahil sa magagandang programa ng pamahalaan
sa AFP at mas marami pa ang magkakaroon ng interes na pumasok sa PMA sa mga
susunod na taon.