Nauna nang naisagawa ang Drone Spraying at Fertilizer Application Demonstration sa bayan ng Manaoag na mula sa proyekto ng Department of Agriculture – Agricultural Technical Institute Region 1 at ang Provincial Government of Pangasinan.
Ipinakita sa nasabing proyekto ang paggamit ng drone sa pagsasaka ng 30 ektaryang sakahan sa bayan.
Ang mga Smart Agriculture Technologies (SATs) tulad ng ginamit sa pagdedemo ay makakatulong sa mga magsasaka na mapagaan ang kanilang pagsasaka.
Layon ng nasabing programa na maa pahusayin pa ang pagsasaka sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan gamit ang mga makabago ring kagamitan alinsunod sa modernisasyon.
Samantala, nagpapatuloy ang mga proyekto ng DA sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office tulad ng fertilizer discount vouchers at pamamahagi ng pataba para sa mga magsasaka sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments