Modified number coding scheme sa lungsod ng Makati, suspendido ngayong holidays

Photo Courtesy: My Makati FB Page

Inanunsyo ngayong umaga ng pamahalaang lungsod ng Makati na suspendido ang modified number coding scheme ngayong holidays.

Batay sa abiso ng Makati City Government, ang mga araw na suspendido ang number coding ay sa December 24, 25, 30 at 31, 2020 at January 1, 2021.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang pag-suspinde ng number coding sa lungsod ay upang bigyan daan ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.


Nagpaalala naman ang alkalde sa mga taga-lungsod na magsuot ng face mask, face shield at magdala ng alcohol o hand sanitizer kung lalabas ng bahay.

Hinikayat din niya ang Makatizens na huwag muna mag-imbita ng mga kamag anak o kaibigan na hindi taga-Makati upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments