Kalaboso ang isang illegal recruiter matapos manloko ng mahigit 10 aplikante na nais maghanap buhay sa Dubai.
Sa entrapment operation isa sa mga biktima ang nagkunwaring magbibigay ng P16,000 processing at medical fees sa kawatan na si alyas “Aisha Yap.”
Nang makuha ng suspek ang pera dito na siya inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) anti-human trafficking division.
Pagdating sa NBI headquarters, napag-alaman na Lolita Concesa pala ang tunay na pangalan ng suspek.
Ayon kay Atty. Janet Francisco, hepe ng anti-human trafficking division ng NBI, walang lisensiya ang suspek bilang recruiter.
Aniya, dapat naghinala na raw ang mga aplikante na wala siyang opisina at resibong ibinibigay.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa kasong illegal recruitment.