Pasay City – Kalaboso ang isang Australian national at Pilipinang asawa nito matapos mameke ng mobile phone application na magmo-monitor umano ng mga botante sa eleksyon na ibebenta sa mga pulitiko.
Naaresto sa isang restaurant sa Pasay City ang mga suspek na sina Michael at Teresita Conroy.
Modus ng mag-asawang suspek na alukin na mag-invest ng P300,000 sa kanilang app ang kanilang mga biktima.
Pinagdudahan ito ng kanilang mga bibiktimahin dahil hindi anila kapani-paniwala ang P42 milyong kita na makukuha nila kapag nag-invest sila rito.
Pero iginiit ng mag-asawa, lehitimo ang kanilang negosyo.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nag-iba lamang ng modus at dati nang naireklamo ang mag-asawa kaugnay sa pagsusuplay ng mga CCTV sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Ikukulong ang mag-asawa dahil sa tatlong kaso ng estafa.
Hinikayat naman ng mga otoridad ang ibang nabiktima ng mga ito na lumutang na rin at magsampa ng dagdag na kaso.