MODUS | PNP, nagbabala sa mga pekeng pari

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga maglilipanang mapagpanggap na pari na boluntaryong babasbasan ang puntod ng mga yumao sa buhay kapalit ang pera.

Ito ay kasabay ng paggunita ng All Saints at All Souls Day.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – makipag-coordinate sa mga sementeryo kung sino ang mga itinalagang pari.


Aniya, sasamantalahin ng mga kawatan ang Undas para makapangloko at makapambiktima.

Nilinaw naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – kadalasang nagsasagawa ang mga pari ng misa para sa mga patay sa mga sementeryo at binabasbasan ang mga puntod na walang kapalit na bayad.

Facebook Comments