Inihayag ng Food and Drug Administration na sumusunod sa food safety standards ang manufacturer ng Lucky Me! Instant Pancit Noodles na Monde Nissin Corporation.
Sa inilabas na pahayag ng FDA, sinabi nitong nakamit ng Monde Nissin ang requirement para sa Hazard Analysis Critical Control Points (HACCP) at Food Manufacturing Practice sa ikinasa nilang inspeksyon noong Marso at ngayong buwan.
Upang masiguro pa lalo ang kaligtasan ng kanilang mga produkto ay nagsasagawa ang manufacturing company ng berepikasyon sa lebel ng residual ethylene oxide sa kanilang seasoning packets.
Mababatid na ito ang kemikal na binanggit ng Rapid Alert System for Food and Feed (RASFF) na nakita sa mga produkto ng Lucky Me! Na itinuturing na ‘unathourized substance’.
Nagresulta ito sa pagbawi ng mga Malta, Ireland at France ng ilang batches ng naturang produktong.
Matatandaang nilinaw na nakaraan ng Monde Nissin na hindi sila naglalagay ng ethylene oxide sa kanilang products bagkus ay ginagamit lamang nila ito bilang treatment sa ilang raw materials.