Sunog, sumiklab sa isang bodega ng armas at bala sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro

389

Nasunog kagabi ang tambakan ng mga bala at baril sa Camp Evangelista sa Barangay Patag sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sa panayam ng RMN DXCC Cagayan de Oro kay Philippine Army 4th Infantry Division Spokesperson Maj. Francisco Garello, nangyari ang sunog sa loob ng kampo kung saan nakatambak ang kanilang mga bala at armas.

Malayo naman aniya ito sa mga kabahayan at opisina ng kampo pero nagdulot pa rin ng pagkaalarma ang sunog dahil sa serye ng mga pagsabog.


Facebook Comments