Tatlong motor rider, sugatan sa aksidente sa Pasay City

85

Pasay City – Nasugatan ang tatlong rider ng motorsiklo matapos magsalpukan sa kahabaan ng A. Arnaiz Avenue sa Pasay.

Sa kuha ng CCTV, pasado alas-dose ng hating gabi nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo.

Mabilis ang takbo ng parehong motorsiklo.


Ang isang lalaki ay wala pang helmet, at nakitang nag- counterflow.

Hindi pa nakikilala ang mga biktima dahil itinakbo agad sila ng mga concerned citizens sa Philippine General Hospital sakay ng tricycle.

Nagtamo sila ng sugat sa mukha at iba pang bahagi ng kanilang katawan.



Facebook Comments