MONITORING AND COACHING SESSION, ISINAGAWA; ILANG MIYEMBRO NG PGS FARMERS, SINIYASAT

CAUAYAN CITY – Nilahukan ng 15 miyembro ng Quezon Isabela Organic Producer – Participatory Guarantee System (QIOP-PGS) ang isinagawang Mentoring and Coaching Session ng Agricultural Training Institute Regional Training Center 2 (ATI-RTC 2).

Katuwang ng ATI-RTC 2 ang Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 2 sa pagsasagawa ng naturang aktibidad ang Quirino, Isabela.

Sa naturang session, limang core PGS Farmer members ang siniyasat ng Regional Pre-Assessment Team (RPAT) na kinilalang sina Ms. Frederic Casilla ng Amity Ridge Integrated Farm, Mr. Jessmark Angyoda ng Bagwisa Farm and Resort, Mr. James Martin ng Martin’s Farm, Mr. Mark S. Bangloy ng Bangloy’s Farm, at si Engr. Roger O. Ocampo ng Dongritz Farm.


Matapos ang pagsisiyasat, nag-alok ang RPAT ng pagsasanay at nagbigay ng ilang rekomendasyon para sa ikabubuti ng kanilang sakahan.

Bukod dito, binigyang diin din nila ang kahalagahan ng tamang kasanayan sa record-keeping, pagkakaroon ng malinaw na signage, maayos na farm maps at layouts kung saan maayos itong nakadikit sa mga kinakailangang dokumento.

Facebook Comments