“Monster ship” ng China Coast Guard, namataan malapit sa Zambales —PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na namataan ang tinaguriang “monster ship” ng China Coast Guard (CCG) sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa PCG, una itong nakita sa layong 54 nautical miles mula sa Capones Island, Zambales.

Agad namang nagtungo sa bahagi ng karagatan ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Cabra at ang caravan ng PCG kung saan nakumpirma ang presensya ng barko ng China.


Nagsagawa ng challenge ang PCG sa naturang sasakyang pandagat at bandang alas-8 kagabi ay nakita itong patungo nang kanluran at nasa layong 85 nautical miles mula Zambales.

Kasunod nito, tiniyak ng PCG na patuloy ang kanilang pagbabantay sa naturang CCG vessel upang masiguro na ligtas na nakakapangisda ang ating mga kababayan sa loob ng Exclusive Economic Zone.

Facebook Comments