Moral transformation ng bansa, isa sa mga pagtutuunan ng pansin ng kamara

Paiiralin ni CIBAC Party-list Rep. Brother Eddie Villanueva ang moral transformation sa buong bansa.

Ito ang tiniyak ni Villanueva matapos siyang mahalal bilang isa sa Deputy Speakers na tututok sa Good Governance and Moral Transformation.

Sinabi ni Villanueva na para maramdaman ang progreso sa bansa ay kailangang isulong ang legislative measures na tutugon sa mga isyung may kinalaman sa mabuting pamamahala at moralidad.


Bukod dito ay pagtutuunan din ng pansin ang anti-corruption measures at sa katunayan ay nauna nang ihain ang Freedom of Information and Education Bill at Anti-Marital Infidelity Bill bago pormal na magbukas ang 18th Congress.

Bilang Deputy Speaker ay trabaho nitong mag-preside sa plenary session kapag wala ang House Speaker at magrekomenda ng mga panukalang batas na makatutulong sa institusyon para maresolba ang iba’t ibang isyu.

Bahagi ng repormang isinusulong ni Speaker Alan Peter Cayetano sa 18th Congress ang pagbibigay ng hurisdiksyon sa bawat deputy speakers.

Facebook Comments