Amerika – Sa selebrasyon ng World Chocolate Day noong July 7, ipinalabas sa facebook ang live ang kaganapan sa The Chocolate Room na ginanap sa Brooklyn, USA.
Isa sa mga pinakita sa manonood ang paggawa ng tinaguriang “Most Expensive Chocolate” na gawa ng isang Danish artisan na si Fritz Knipschildt, ang tinaguraign Willy Wonka ng Connecticut.
Ang nasabing tsokolate na tinatawag na “La Madeline Au Truffe” ay naghahalagang two hundred fifty dollars per piece at two-thousand six hundred dollars per pound.
Ano nga ba ang nagpapamahal dito?
Ang buong tsokolate ay gawa lang naman sa rare French perigord truffle na pinalibutan ng ganache n heavy cream, sugar, truffle oil at vanilla na pinahiran ng 70% dark chocolate at pinadaan sa fine cocoa powder.
Ipinresenta naman ito sa isang silver box na pinapalibutan ng faux pearls at tinalian ng laso.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558