MOST WANTED sa Sipocot, ARESTADO; TULAK ng Shabu DAKIP din sa Pili, CamSur

Bumagsak sa kamay ng kapulisan ang most wanted person sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur. Kinilala ang akusado na si Oscar Madara Sr., edad 68, laborer, at residente ng Barangay South Villazar, Sipocot, Camarines Sur.

Ayon sa report ng Sipocot-PNP, noong September 5, 2017, bandang alas 8 ng umaga, nagsagawa ng manhunt operation ang mga kapulisan sa pangunguna ni SPO2 Virgilio Sanao sa Barangay South Villazar. Nadakip si Madara na wanted for murder na may docket numbers CC#L-1666, L-1667, L-1668, base sa warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 56 noon pang 1994.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso.

Si Madara ay Top 1 sa 10 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Sipocot sa Camarines Sur.


Samantala, isang Samuel Fabor, edad 29, ng Zone 5, Barangay Santiago, Pili, Camarines Sur ang inaresto ng kapulisan bunga ng buy bust operation na isinagawa ng Pili PNP sa pangunguna ni Police Chief Inspector Aldin Orquito.

Bandang alas 7:15 ng gabi kahapon nang magsagawa ng buy bust operation ang mga kapulisan sa Barangay San Agustin sa Pili, Camarines Sur. Nabili umano mula kay Fabor ang isang maliit na heat sealed plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Kasama Mo sa Balita, Manny Basa, Tatak RMN.


Facebook Comments