Nilinaw ng Supreme Court na pinal na nilang nadesisyunan ang usapin noong 2008 base sa resolusyon ng en banc na may petsang November 17.
Una na rin nilang inatasan ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tiyaking maisasaayos at malilinis ang paligid ng Manila Bay.
Sa pahayag pa ng Korte Suprema, wala silang nakitang anumang paglabag sa patuloy na pagsunod ng mga itinalagang ahensiya ng pamahalaan sa ipinalabas nilang mandamus.
Alinsunod ba rin ito sa mga isinumiteng quarterly report at inspeksyon ng Manila Bay advisory committee.
Nakasaad pa sa desisyon na wala nang kuwenta ang isang intervention kung mayroon nang pinal na desisyun ang Korte Suprema at kasalukuyan na itong isinasagawa.
Matatandaang naghain ng mosyon ang Akbayan at ipinako-contempt ang DENR dahil sa paglalagay ng artificial white sand sa bahagi ng Manila Bay.