Tatanggalin na ng Department of Education (DepEd) ang mother tongue language bilang subject upang ma-decongest ang K-12 program.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III na ang 50-minutong nakalaan para sa naturang paksa ay papalitan na lamang ng math at reading programs.
Ngunit iginiit ni Densing na gagamitin pa rin ang mother tongue bilang medium of instruction sa mga estudyanteng nasa Kindergarten hanggang Grade 3.
Sa ngayon, patuloy pa rin itong isinasapinal ngunit natalakay na sa isang ‘consensual basis’.
Ang mother tongue subject ay naka-pokus sa pag-develop ng pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat ng nanunang nakagisnang language o di kaya ay local language sa lugar.
Facebook Comments