Kinukwestyon ni Senator Kiko Pangilinan ang motibo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisiwalat sa mga kongresista na sangkot sa katiwalian sa Deparment of Public Works and Highways (DPWH).
Ipinunto ni Pangilinan na sinabi mismo ni Pangulong Duterte na wala pang kongkretong ebidensya laban sa mga pinangalanang kongresista.
Katwiran ni Pangilinan, walang imik ang administrasyon sa mga kakampi na klarong-klaro at konkreto ang ebidensya ng palpak o kurakot na pamumuno.
Inihalimbawa ni Pangilinan ang mga sangkot sa overpriced na testing kits, at pagpapalusot ng toneladang shabu sa Bureau of Customs.
Kaya tanong ni Pangilinan kung anti-corruption ba talaga o anti-opposition ang tunay na layunin ng administrasyon.
Facebook Comments