Motibo sa Pamamaril sa Dating Kapitan sa Cagayan, Blangko pa rin

154

*Cauayan City, Isabela*- Blangko pa rin ang mga alagad ng batas sa motibo ng pagpatay sa dating Kapitan matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Dionilo Romero Poblete, 57-anyos residente ng Brgy. Patunungan sa nasabing bayan.


Ayon kay Police Master Sergeant Anatoly Viloria, Imbestigador ng PNP Sta. Ana, lumalabas sa imbestigasyon na lulan ng kanyang motorsiklo at pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktima kasama ang isang angkas nitong si Lodrigo Bumanglag sa Barangay Palawig nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki ang biktima.

Maswerte namang hindi nadamay sa pamamaril ang angkas nito matapos na tumakbo.

Agad namang binawian ng buhay ang dating kapitan matapos magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ng kalibre 45 habang nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang mahigit sa 200,000.00 libong piso.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente ng pamamaril.



Facebook Comments