Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang motion for reconsideration (MR) na humihiling na ideklarang nuisance candidate si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nakasaad sa resolusyon ng poll body na bigong makapaglatag ng mga bagong argumento si Danilo Lihayhay kaugnay ng kanyang apela.
Ang petition ay inihain ni Lihaylihay sa COMELEC Second Division noong December 16, 2021 at una na itong nabasura.
Gaya ng naunang desisyon sa disqualification ni Marcos, nag-inhibit din dito si Commissioner George Erwin Garcia dahil siya ay dating abogado ni Marcos sa election protest nito noong 2016 vice presidential race.
Facebook Comments