Mayor elect Juris Sucro, nangakong tutuparin ang mga plataporma para sa Kalibo

20
Kalibo, Aklan — Magkakaroon ng checklist si Mayor elect Juris Sucro sa mga platapormang ipinangako nito sa kanyang kampanya bago ang election. Sa panayam ng RMN sa proclamation ng mga newly elected officials sa bayan ng Kalibo kahapon, sinabi ni Sucro na iisa isahin nito ang mga gustong isulong nitong mga programa at proyekto para sa bayan. Uumpisahan umano nito sa kanyang opisyal na pag upo sa pwesto sa July 1 ang pagbuo ng transition team para tingnan ang assets ng Kalibo, at ano ang mga problemang dapat ayusin at tuunan ng pansin. Makikipag usap din umano ito sa mga ibat ibang sektor at mga grupo para alamin ang kanilang mga pangangailangan. Nagpasalamat din si Sucro sa lahat ng mga sumuporta sa kanya. Napag alamang natalo ni Sucro sa botong 25, 907 si incumbent at first termer Engr. Emerson Lachica na nakakuha ng 18, 968 votes. Samantala Re-elected parin si Vice Mayor Cynthia Dela Cruz matapos manguna sa botong 25, 788 laban kay Greg Malapad na nakakuha ng 16, 783 na mga boto.
Facebook Comments