Cauayan City, Isabela- Malungkot na inanunsyo ni dating Isabela 4th District Congressman Giorgidi “Gigi” Aggabao ang hindi pagsang-ayon ng Commission on Election (COMELEC) sa kanyang inihaing Motion for Reconsideration hinggil sa kanyang substitution sa pagtakbo bilang alkalde ng Santiago City sa halalan 2022.
Sa kanyang facebook post, binigyang diin nito na pinanindagan umano ng COMELEC ang diumano’y pagsasabing dalawa ang kandidato ng Partido Reporma na kinabibilangan nito at dahil dito ay mananatiling independent candidate sa pagka-alkalde si dating Mayor Amelita “Amy” Navarro sa harap ng kawalan ng bisa ang ginawang substitution ni Aggabao.
Ayon pa sa pahayag ni Aggabao, lumalabas na ang nagpresenta ng umano’y pekeng dokumento ang nakinabang sa desisyon ng COMELEC dahil kabilang na ito sa inisyal na listahan ng mga tatakbo sa pagka-alkalde.
Sa kabila nito, nagpasalamat naman ang dating opisyal sa kanyang mga taga-suporta sa ipinakitang malasakit matapos ang ginawang desisyon ng COMELEC.
Facebook Comments