PNP spokesperson itinalaga bilang national focal person for media security

68

Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos si PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba bilang national focal person para sa media security sa panahon ng eleksyon.

Ito ay batay na rin sa utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa PNP para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa pagganap ng kanilang tungkulin sa pag-cover sa darating na eleksyon.

Itinalaga rin ni Gen. Carlos ang lahat ng Public Information Office (PIO) chiefs ng PNP sa regional, provincial, city at municipal level bilang focal persons sa kani-kanilang mga lokalidad.


Ayon sa PNP chief, maaring ilapit ng mga miyembro ng media ang kanilang mga concerns sa seguridad sa mga focal persons sa kanilang lokalidad para maaksyunan.

Tiniyak naman ng PNP chief, na mahalaga na magkaroon ng magandang relasyon ang PNP at media para mas masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag.

Facebook Comments