Thursday, March 5, 2026

MOTORCYCLE RIDER, PATAY MATAPOS MAG-OVERTAKE AT SUMALPOK SA KASALUBONG NA PICKUP TRUCK SA ROSARIO, LA UNION

Patay ang isang 60-anyos na motorcycle rider matapos umanong mag-overtake at sumalpok sa kasalubong na pickup truck sa Barangay Nagtagaan, Rosario, La Union, alas singko ng hapon noong Marso 4, 2026.

Batay sa paunang imbestigasyon, patungong timog ang motorsiklo habang binabagtas ng pickup truck ang kabilang direksyon ng kalsada.

Dahil sa pag-overtake ng rider sa isa pang sasakyan, napunta ito sa kabilang linya at bumangga sa kasalubong na pickup truck.

Isinugod pa sa Rosario District Hospital ang rider ngunit idineklara ring dead on arrival. Hindi naman nasaktan ang driver ng pickup truck.

Kapwa nagtamo ng pinsala ang mga sangkot na sasakyan at patuloy pang inaalam ang halaga ng mga ito.

Facebook Comments