*Cauayan City, Isabela- *Nangunguna sa mga nahuhuling lumalabag sa batas trapiko ng PNP Quirino, Isabela ay ang mga motorista na walang lisensya.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni PCapt. Rufu Figarola, OIC ng PNP Quirino, Isabela sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Mula aniya noong unang araw ng Enero ng taong kasalukuyan ay mayroon nang mahigit kumulang 300 na mga violators ang kanilang nahuli sa checkpoint.
Umaabot aniya sa mahigit 180 ang kanilang nahuli na walang lisensya habang pumapangalawa ang mga kuliglig na walang reflectorized sticker na nasa mahigit 170.
Kaugnay nito, lalo pang pinaigting ng kanilang hanay ang pagbabantay at paghuli sa sinumang lumalabag sa batas trapiko sa pamamagitan na rin ng “Project Lovelife” na iniutos ni Regional Director P/Col Mariano Rodriguez.
Dagdag pa ni PCapt. Figarola, nagtalaga aniya ito ng anim na checkpoints sa kanyang nasasakupan upang mabantayan ng mabuti ang lahat ng mga motorista na babaybay sa lansangan.