*Cauayan City, Isabela*- Muling magpapatupad ng paghihigpit ang Land Transportation Office (LTO) Region 2 sa lahat ng motorista sa Cagayan Valley kaugnay sa pagbibigay ng lisensya.
Ayon kay Administrative Head Manny Baricaua ng LTO region 2, ito ay upang matiyak na susunod sa pamantayan ng traffic rules ang publiko para maiwasan ang ilang violations na kalimitang sangkot ay ang maliliit na motorista.
Batay sa nakasaad sa RA 10930 na inamiyendahan ng RA 4136 o *”Land Transportation and Traffic Code”*.
Sinabi pa ni Baricaua na sa susunod na buwan ay asahan na ang mahigpit na implementasyon sa pagpapatupad ng nasabing batas base na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Paliwanag pa nito na ang nasabing batas ay sumesentro sa pagbibigay ng demerits points o sukatan ng paglabag ng isang motorista ana ibabase kung sakaling magpaulit-ulit sa mga paglabag sa batas trapiko.
Maliban dito, sakop din ng mga city ordinances on traffic ang implementasyon ng nasabing batas at kung mapatunayang walang paglabag sa rules and guidelines ng LTO ang isang motorista ay mabibigyan ito ng 10 years validity period ng lisensya.
Tiniyak naman ng LTO-RO2 na sa pamamagitan nito ay masisigurong maraming motorista ang tiyak na susunod sa lahat ng ipinapatupad na batas trapiko.