Motorista, naghamon ng suntukan sa kapwa motorista sa gitna ng kalsada sa EDSA

Makati City – Dahil sa gitgitan sa trapiko, uminit ang ulo ng isang motorista at naghamon ng nag-away sa kapwa nito motorista sa gitna ng kalsada sa EDSA-Makati City.

Kwento ng driver na si Neil Matthew Garabato, bigla siyang sinugod ng suspek na si Demostenes Reyes matapos siyang akusahan na nag-cut sa kaniyang lane.

Naghamon si Reyes ng suntukan pero hindi bumaba si Garabato kung kaya’t binasag na lamang ng suspek ang kaniyang side mirror at tail light.


Nakahingi naman ng tulong si Garabato sa mga otoridad at agad na nahuli si Reyes kung saan hanggang sa presinto ay iginigiit nito na hindi siya ang nagsimula ng kaguluhan.

Facebook Comments