MOTORISTA PATAY, MATAPOS MAAKSIDENTE SA BAYAN NG STA BARBARA

Dead on Arrival sa pagamutan ang isang singkwentay kwatro anyos na lalaki matapos itong maaksidente sa bayan ng Sta Barbara.
Ang biktima ay nakilalang si Fortunato Alano residente ng nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang aksidente pasado alas otso ng Gabi sa Brgy. Maningding kung saan ay sakay ng kanyang motor ang biktima ng bigla itong matumba dahil madulas ang kalsada bunsod ng walang tigil na pagulan.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments