MOTORISTA, PATAY MATAPOS SUMALPOK SA PUNO SA SAN CARLOS CITY

Isang lalaki ang nasawi matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa puno sa gilid ng kalsada sa Barangay Tandoc, San Carlos City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang provincial road patungong hilaga nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa puno sa gilid ng daan.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ito ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman itong isinugod ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa malapit na pagamutan, ngunit idineklara ring dead on arrival.
Dinala naman sa San Carlos City Police Station ang motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments