Motoristang, pinutulan umano ng lisensya ng traffic enforcer – pormal na nagsampa ng reklamo sa MMDA

Manila, Philippines – Pormal na naghain ng reklamo sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorista laban sa isang traffic enforcer matapos putulin ang kanyang lisensya.

Nabatid na nag-viral sa social media ang video ng paghuli ng traffic enforcer kay ronan pastrana dahil sa pag-o-over speeding.

Aminado si Pastrana, na mabilis ang kanyang pagmamaneho.


Pag-abot aniya niya ng temporary driver’s liscense kasama ang lumang lisensya ay sinita siya ng enforcer kung bakit nasa kanya pa ang lumang card.

Dagdag pa ni Pastrana, sa halip na tiketan siya ay biglang pinutol nito ang kanyang lisensya.

Hindi naman sumipot ang enforcer na si Gilbert Rafal.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA Supervising Officer – batay sa spot report ni Rafal, sinubukan siyang suhulan ng driver na nagpakilalang pulis.

Dagdag pa ni Nebrija, hindi naputol ang lisensya kundi may crack lamang ito.

Paliwanag naman ng MMDA, may karapatan ang traffic constable na kumpiskahin ang lisensya kung nagiging arogante na ang motorista.

Samantala, nakatakdang gawin ang pagdinig sa nasabing kaso sa darating na Sabado, Hulyo a-uno.

Facebook Comments