Sapilitan nang pinalikas ang mga residente malapit sa Mount Ili Lewotok sa Indonesia matapos itong sumabog at magbuga ng usok at abo na aabot sa 2.5 miles o 4 na kilometro.
Bagama’t walang naitalang nasawi sa pagsabog, tinatayang nasa 2,780 katao mula sa 26 villages ang inilikas.
Nakataas na sa second-highest level alert status ang bulkan kung saan nagbabala ang mga otoridad sa mga posibleng lava flows.
Pinalawig na rin sa 2.5 miles ang no-go zone sa paligid ng crater habang ipinagbabawal na ang anumang aktibidad sa loob ng 4 kilometer radius mula sa crater.
Facebook Comments