MPBL | Makati Skyscrapers, tinalo ang GenSan Warriors sa MPBL Datu Cup

Antipolo – Hindi pinaporma ng Makati Skyscrapers ang General Santos Warriors sa kanilang naging laban kahapon sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Tinambakan ng Makati ang GenSan sa score na 86-71 kung saan nanguna sa panalo ang dating player ng Kia Picanto na si Philip Paniamogan na kumamada ng 28-points.

Nag-ambag din ang dating PBA player na si Rudy Lingganay ng 10-points kaya at gumanda ang kanilang record sa north division na may 4-1 win/loss record.


Samantala, tinalo naman ng Mandaluyong el Tigre ang Rizal Crusaders sa second game sa score na 65-51.

Facebook Comments