Manila, Philippines – Hindi na maaring basta basta ipagiba , isangla o baguhin ang bihis ng Manila Police District headquarters sa UN Avenue sa Ermita,Maynila.
Ito ay matapos na opisyal nang idineklara ng National Historical Commission ang MPD headquarters bilang historical landmark ng bansa.
Kanina ay isinagawa ang seremonya ng pagaalis ng tabing sa historical marker ng MPD.
Ayon kay Rene Escalante, Presidente ng NHC, taong 1901 nang unang itayo ang istraktura.
Matapos mawasak sa gitna ng ikalawang digmaang pandaigdig, isinailalim ito sa rehabilitasyon noong 1949.
Ang MPD ang tanging police station sa buong Metro Manila na kinilala ng NHC bilang panandang kasaysayan.
Dahil sa pagkilala, nangako naman si MPD director Joel Coronel na pagiibayuhin ang pagbibigay seguridad sa buhay at ari-arian ng kaniyang nasasakupan.