Ozamiz Chief of Police, Police Inspector Jovie Espenido bibigyan ng special award

Manila, Philippines – Makakatanggap ng special award si Ozamiz Chief of Police, Police Inspector Jovie Espenido sa darating na ika-siyam ng Agosto kung saan ipagdiriwang ang 116 anniversary ng police service.

Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, dahil sa masigasig na anti-illegal drugs operation sa Albuera Leyte at Ozamiz City kung kayat napili ng pamunuan ng PNP na bigyan parangal at pagkilala si Espenido.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na walang kinalaman sa pagkakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na mga kabilang sa narco list ng pangulo ang parangal na ibibgay sa opisyal


Paliwanag ni PNP Chief hindi pa nangyayari ang raid sa bahay ng mga Parojinog ay kasama na sa awardees si Espenido.

Facebook Comments