Mga pasyente sa drug rehab centers sa Iligan hinimok ng alkalde na huwag nang bumalik sa kanilang bisyo

123

ligan City, Philippines- Hinimok ni Iligan City Mayor Celso Regencia ang mga pasyente na nasa Drug Rehab Center sa lungsod na huwag nang bumalik sa kanilang bisyo sa pag-gamit ng illegal na druga kung sakaling gagaling na sila at makakalabas.  Ito’y para hindi na kulongan ang kanilang bagsak kung babalik pa sila sa kanilang bisyo matapos ang ilang buwang gamutan sa loob ng rehab center.  Sinabi ng alkalde na walang magandang maidulot ang pag-gagamit ng kahit ano mang bawal na gamot.  Ipinangako ni Regencia ang suportang ibibigay niya para sa rehab center ng lungsod kung saan nagdiwang ito ng ikalawang taon ngayong buwan.  Bagay ito na ikinatuwa ng mga nangasiwa ng drug rehab center sa iligan sapagkat maraming biktima ng bawal na gamot ang matutulongan sa suportang ibibigay ng lokal na pamahalaan sa lungsod ng iligan.(GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)

Facebook Comments