MPD, ibinunyag na may mga kasamang babae nang maganap ang initiation rites kay Atio Castillo

Manila, Philippines – Hindi buong idenetalye ni Manila Police District Spokesman Supt. Erwin Margarejo ang mga narekober nilang ebidensya sa library ng Aegis Juris Fraternity kung saan isinagawa umano ang initiation rites kay Horacio Castillo III.
Pero ayon kay Margarejo, hinihintay pa nila ang resulta ng mga nakuha nilang physical at forensic evidence sa lugar na pinoproseso ngayon ng scene of the crime operatives.

Paglilinaw naman ni Margarejo – kasama na sa tinatayang dalawampung (20) kinasuhan si Jason Robiños, na miyembro ng Aegis Juris na sumuko kamakailan sa MPD.
Ibinunyag din ng opisyal na may mga babaeng kasama ng maganap umano ang hazing kay Atio.

Ayon kay Margarejo, isinama nila ito sa reklamo para maging matibay ang isasagawang preliminary investigation kung saan mayroon silang hawak na CCTV na nakuha sa frat library.


Facebook Comments