MPD, inalerto ang lahat ng station at unit commanders nito

Inalerto ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang lahat ng station at unt commander nito matapos magkaroon ng bahagyang pagtaas ng kaso ng robbery sa lungsod ng Maynila.

Ito’y sa simula ng ibaba sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahil sa COVID-19 kung saan lumuwag na rin ang galaw ng publiko kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya at ilang mga negosyo sa Metro Manila.

Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Leo Fracisco, nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa kasong robbery base sa datos na inilabas sa lingguhang monitoring ng crime statistics partikular sa 8 focus crime.


Nabatid na mula October 25 hanggang November 7, nakapagtala ng apat na kaso ng robbery ang MPD habang mula November 8 hanggang 21, nasa siyam na kaso ng robbery ang kanilang naitala.

Mas mataas din ang naitalang bilang sa kasong theft noong October 25 hanggang November 7 na nasa 20.

Sa nasabing bilang kaso ng robbery, naitala dito ng MPD ang mga kaso ng akyat bahay at snatching.

Bukod sa robbery, ilan rin sa tinututukan ng MPD na kabilang sa focus crime ay mga kasong murder, homicide, physical injury, rape, theft, carnapping, motornapping at complex crime.

Facebook Comments