MPD, inatasan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na higpitan pa ang pagpapatupad ng health protocols

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno sa Manila Police District (MPD) na higpitan pa ang pagpapatupad ng minimum health protocols ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ito’y dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa kahit pa bahagyang bumaba ang bilang ng tinatamaan ng virus sa lungsod.

Layunin ng kautusan ni Mayor Isko na matiyak ang kaligtasan ng publiko, mga negosyo at mapanatili ang trabaho ng mga empleyado sa buong Maynila lalo na ngayong holiday season.


Kasabay nito, pinatututukan ni Mayor Isko kay MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco ang mga masasamang elemento na posibleng manamantala sa mga mamimili.

Samantala, iba’t ibang grupo ang nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola kasabay ng paggunita sa International Human Rights Day upang ipanawagan na ibasura ang anti-terrorism law.

Iginiit ng mga ito na ang nasabing batas ay lumalabag sa karapatang pantao kung saan nais din nilang ihinto na ang ginagawang red tagging sa ilang militanteng grupo at mga mambabatas.

Patuloy naman ang pagbabantay ng MPD para tiyakin na walang mangugulo at masusunod ang ipinapatupad na health protocols.

Facebook Comments