Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) hinggil sa kasong kinasasangkutan ng isang tauhan nito sa Navotas.
Ayon kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, hindi nila kukunsintihin ang ginawang pagkakamali ni Master Sergeant Ramos Guina na nanapak ng traffic enforcer ng Navotas na si Mark Luzuriaga matapos sitahin dahil walang prangkisa ang minamanehong tricycle habang nakasibilyan.
Tinakbuhan pa ng pulis ang traffic enforcer kaya nagkatoon ng habulan at ng maabutan ay naglabas ng baril si Guina.
Sinabi ni Dizon na hindi sila manghihimasok sa kaso ni Guina kung saan nararapat lamang na dumaan ito sa patas na pagdinig sa kaso.
Aniya, kasalukuyan ng iniimbestigahan ang nangyaring insidente na nag-viral pa sa social media dahil ayaw magpaaresto ni Guina.
Matatandaan na mismong ang hepe ng Navotas police na si Colonel Allan Umipig, ang nanguna sa pag-aresto kay Guina dahil pumapalag ito at ayaw ibigay ang sling nag na may lamang baril.