Handa na ang pamunuan ng Manila Police Disitrict (MPD) sa posibleng kaliwa’t kanang kilos protesta sa lungsod ng Maynila.
Ito’y kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day ngayong araw ng Martes, November 30, 2021.
Kaugnay nito, ang mga tauhan ng MPD ay patuloy na nakabantay sa mga pangunahing kalsada o mga lugar kung saan ikakasa ang pagkilos-protesta.
Kabilang dito ang Kartilya ng Katipunan, España, Mendiola, Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio.
Patuloy rin ang MPD sa pag-iikot para masigurong walang mangyayaring kaguluhan sa mga magkikilos-protesta.
Bukod sa pagbabantay sa mga magpo-protesta, tumutulong din sa pagsisiguro ng seguridad at kaayusan ang mga tauhan ng MPD sa mga vaccination site sa ikalawang araw ng National Vaccination Day.
Facebook Comments